Sana Kahit Minsan
by Ariel Rivera
Bakit ikaw ang nais na matanaw
Nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako
Sa taglay mong ganda
Nais kong marinig
Malamyos mong tinig
Na sa aki’y aliw at tila ba
Ito’y hulog pa ng langit
‘Pag nakita ka na’y ayaw ng
Kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla
Nang hindi ko alam
Minsa’y hinahagkan
Yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay di pala
Tunay at manghihinayang na
Chorus:
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal
At ‘yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa iyo
(Repeat 2nd Stanza)
(Repeat Chorus)
Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko’y ang iyong pagmamahal
Sana’y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko
Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal
At ‘yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay ko sa ‘yo’y tunay
Coda:
Sa ‘yo’y tunay
Sana kahit minsan
Leave a reply