Yakap Sa Dilim by
Brownman Revival

Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema, iyong malilimutan
Habang tayo’y magkayakap sa dilim
.
Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana’y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim

[Chorus]
Heto na ang pinaka-hihintay natin
Heto na tayo, magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo’y magkayakap sa dilim

[repeat Chorus]

Halika na at sumiping ka sa kama
Lasapin natin ang pagsasama
Sa ‘ting pag-ibig tayo ay umaasa
Habang tayo’y magkayakap sa dilim

Yakapin mo ako
Yakapin mo ng husto