Pinoy OPM Song Lyrics

MP3 Songs, Lyrics, Ringtones and Downloads

Archive for the ‘Agaw Agimat’ Category

I Hab 2 Hands

Wednesday
Apr 11,2007

I Hab 2 Hands by
Agaw Agimat

Gusto ni Ben mauna
Ayaw n’ya kasing pumila
Gusto n’yang matapos na
Sumimple sa ilalim ng mesa

I hab 2 hands, da lep en da rayt
Hold dem up hay , so clean ang brayt
Klap dem soply, 1 2 3
Clean litol hands are gud to see

H’wag mong sabihing sinabi ko
Baka iba ang masabi mo
H’wag mong ikuwento ang kinuwento ko
Baka iba ang makuwento mo!

Mga kapatid kayo’y lumapit
Mawawala ang lahat ng sakit
Magtiwala kayo kay Brad Pit
10% mo’y pang first class sa langit

Wanliteltu

Wednesday
Apr 11,2007

Wanliteltu by
Agaw Agimat

Buntis ka na naman
Pang-ilan na ba ‘yan
‘Di na natutuo

Apat-apat ang karga habang siya’y naglalaba
Lima ang nakasunod, maliban pa sa natutulog
Bareta sa kanan, tsupon na naman sa kaliwa
Ale, mag-ingat ka baka malabhan mo sila

Bilangin mo, bilangin mo
Baka may nawawala

Wanliteltu liteltri litel indians
Porlitelpayb litelsiks litel indians
Sebenliteleyt litelnayn litel indians
Tenlitel indian boys ang girls

Pagkatapos maglaba, mamamalantsa ka pa
Karga pa rin sila, daig mo pa si Buddha
Niluto mo’y sunog na, nalilito ka ba
Ale, mag-ingat ka baka maluto mo sila

Litung-lito na nga, ang ingay-ingay n’yo pa
Rinding-rindi ka na sa orkestrang uha (uha)
Dumating si Mister, ala’y nagyaya
Ale, mag-ingat, huwag kang tumihaya

Bilangin mo, bilangin mo
Bago ka gumawa
Bago ka tumihaya

Praning

Wednesday
Apr 11,2007

Praning by
Agaw Agimat

Ilang taong ayaw kumain
Tinapon lahat ng inihain
Ilang
taong palaboy-laboy
Ang taba mo, mukha kang baboy

Ilang taong walang kilala
Nagkasakit
nagka-amnesia
Nakakahon ka sa dilim
Ikaw ba’y
napapraning

Nagpapraning- praningan

Nagbabaliw-baliwan….ka!

Ilang taon kang nagkulong

Walang imik kahit na bulong
Nakahubad at umiikot-ikot

Di alam kung nababagot

Ilang taong nagmukmok

Kausap mo raw – mga lamok
Kalaro mo’y surot-surot

Ipis na umiikot-ikot

Sarap Kasi

Wednesday
Apr 11,2007

Sarap Kasi by
Agaw Agimat

Ang bait mo sa masa
Kasalo mo pa sa daing na ulam nila
Kahit halatang di mo gusto
Pinipilit mo, sa laki ng pagmamahal mo

Kinakamayan mo kahit sino
Kahit mag-amoy isda ‘yang kamay mo
Dahil alam mong kailangan nila
Ang iyong pag-aruga at ang pagkalinga

Ang laki ng puso mo
Ang laki ng talino mo
Ang laki ng unawa mo
Ang laki-laki ng pag-ibig mo

Ang laki ng yabang mo
Ang laki ng tapang mo
Ang laki ng angas mo
Ang laki-laki ng ngipin mo!
(Ang laki-laki ng asawa mo!)

Namimigay ka ng bahay at lupa
Trabaho sa mga taong walang-wala
Taos at bukal sa puso mo
Ang ‘yong pagkalinga sa mga kapos at kawawa

Naghahanap ka ng kakampi
Laban sa mga nang-aapi
Pinatawag mong kaibigan mo
Dahil may nanggugulo

Natutuwa ako’t may kagaya mo
Mapagmahal at maprinsipyo
Gusto kitang yakapin nang mahigpit
Sa tuwa, mahigpit na mahigpit
Hanggang di ka na makahinga

Salmos 91

Wednesday
Apr 11,2007

Salmos 91 by
Agaw Agimat

Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan
Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat

Aking sasabihin tungkol sa Panginoon
Siya’y aking kanlungan at aking katibayan
Ang Diyos ko ang Ama na siyang aking tinitiwalaan

Ang katatagan at pagtitiwala sa ating Lumikha
Tumatag ka’t magtiwala sa Diyos mong Ama

Sun & the Rain

Tuesday
Jan 2,2007

Sun & the Rain by Agaw Agimat

Halika, tikman ang ginhawa
Halika, silipin ang umaga
Kumakaway sa ating pagdurusa

Halika, salubungin ang pag-asa
Halika, sa malaya’t payapa
Bahagharing laan ni Bathala

Here comes the sun and the rain
Something that seldom happens
It always scares me of the possibility
That there is a wedding but it seldom happens

Halika, wala nang kulang
Halika, may kapayapaan
Halika, h’wag nang mangamba
Halika, buksan ang unawa

Halika, wala nang ligalig
Halika, buksan ang ating isip
Halika, sumayaw sa ‘ting awit
Halika, ipagdiwang ang pag-ibig

Pag-asa, payapa, ginhawa, unawa
Wala ng kulang, may kapayapaan
Buksan ang isip
Halika, tayo nang umibig

Musmos

Tuesday
Jan 2,2007

Musmos by Agaw Agimat

‘Di mo alam ang ngayon
Wala ka pang kahapon
Bukas mo’y hinuhubog
Ng ating panahon

‘Di ka natatakot
Sa aninong sumusunod
‘Di mo naririnig
Bulong ng dilim sa isip

Pagmasdan ang kabataan
Walang takot, inuurungan
Walang inggit, walang galit
Pagmasdan kanyang pag-ibig

Payapa na paligid
Walang kaba sa ‘yong dibdib
Payapa ang iyong isip
Walang nadamang panganib

Simple lang ang iyong nais
Mahigpit na yakap, tamis ng halik
Araw na tahimik
Oras na puno ng pag ibig

Nasaan Na Nga Ba ang Pag-ibig?

Tuesday
Jan 2,2007

Nasaan Na Nga Ba ang Pag-ibig? by Agaw Agimat

May kaba sa aking dibdib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati’y puno ng digmaan

Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit, kailan maibsan

Nasa’n nga ba ang pag-ibig
Ba’t nadarama’y ligalig
Nasa’n nga ba ang pag-ibig
‘Di nyo ba kami naririnig

Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin

Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matir’han, wala pa ring bahay

Mr. Swatman

Tuesday
Jan 2,2007

Mr. Swatman by Agaw Agimat

Get your hands off that boy
Don’t smash his head with a bam-bam
We’re not happy with your toy
They just wanna enjoy-joy

Yes, it’s safe to turn your back
But you don’t know much about that
Now, put away your riot helmets
Crazy wearin’ those bullet-proof vests

Now put away those guns
Oi, boy’s not a threat
No trouble, no regrets
Oi, oi, oi

Leave us Mr. Swatman

Get your guns off that boy
Please don’t use your bang-bang
They’re just here to enjoy
All they want is to slam-slam

Ayaw Mo Na!

Tuesday
Jan 2,2007

Ayaw Mo Na! by Agaw Agimat

Nagsasabi ka ba ng totoo
Sa lahat ng pahiwatig mo
‘Di makapaniwalang ika’y nagbago
Nami-miss mo pa ba ako

Nagsasabi ka ba ng katotohanan
Sa iyong mga nararamdaman
Parang ‘di ko maubos maisip
Nagbago na rin pati pananamit

Mahal kita, ba’t ayaw mo na
Ayaw mo na kasi mahal mo s’ya
Gusto kita, ‘yan ang totoo
Ayaw mo na, gusto mo katulad mo

Nagsasabi ka ba ng tunay
Sa mga nangyari sa ‘yong buhay
Parang ako’y nagtataka
‘Di na ikaw ang dati kong kakilala

Wala bang bahid ng kasinungalingan
Ang mga sinulat mo sa ‘yong liham
Gusto kitang makita’t makausap
Baka nalito lang kaya ka nagkakalat

Kahit Na

Tuesday
Jan 2,2007

Kahit Na by Agaw Agimat

Kahit na mauhaw
Kahit na manginig sa ginaw
Kahit na magutom
Kakayanin ko roon

Kahit na malayo
Kahit na maalon
Kakayanin ko lahat ng iyon
Marating ko lang duon

CHORUS
Huwag mo lang ipilit
Na wala akong puwang sa ‘yo
Huwag mo lang ipagkait
Ang mundo mo
Tiyak matatalo ako
Sa labang ito

Kahit na malalim
Kahit na madilim
Kahit na malakas man ang hangin
Pipilitin kong makarating

Kahit na bumagyo
Kahit na mabato
Lalabanan ko lahat ng gulo
Magkasama’t magkaramay lang tayo

[Repeat CHORUS twice]

Kahit na malayo
Mag-kasama
Magkaramay lang tayo

Ohh ohh ohh
Ohh ohh ohh

Price Tag

Tuesday
Jan 2,2007

Price Tag by Agaw Agimat

Binilhan mo s’ya ng relo
Mga polo at telepono
Nanood kayo ng sine
Nilibre mo pa pati pang-taxi

Binigyan mo pang-tuition fee
Niregaluhan ng kotse
Pinatira mo sa bahay mo
Pinahiram mo lahat ng gamit mo

Ba’t ngayo’y may presyo
‘Pagkat ‘di na magkasundo
Lahat ngayon ay nakalista
Nang ‘di na kayo magsyota

Pinautang ka ng malaki
Pinagbibigyan ka lagi
Kahit anong hiling, binibili
Mahal ka raw n’ya talaga kasi

Lahat ng iyon ay bigay
Bago pa kayo magkahiwalay
Simbolo ng pagmamahal
Bago ka pa nya sinakal

Pedophilia

Tuesday
Jan 2,2007

Pedophilia by Agaw Agimat

Ka ska ska (ska)

Little kids are in the water
Try to catch them like the other
Catch himself, I’m in a bargain
They will give you all your flesh
[Repeat]

CHORUS
All the kids just wanna play
Have some toys and play some games
All the kids just wanna play
Have some toys and play some games
All the kids just wanna play
Have some toys and play some games

Little kids, they sell their body
Can’t say no ’cause they’re nobody
Suck their blood and eat their flesh
Watch them go like dying babies
[Repeat]

[Repeat CHORUS]

Hide your children, lock their door [4x]

AD LIB

[Repeat 1st & 2nd stanzas once]

CHORUS
All the kids just want to play
Have some toys and play some games
All the kids just want to play
Have some toys and play some games
All the kids just want to play
Have some toys and play some games

Hide your children, lock their door [6x]
Hide

Sayaw ng Tagumpay

Tuesday
Jan 2,2007

Sayaw ng Tagumpay by Agaw Agimat

La la la…

Haplos ng hangin
Ang iyong lambing
Patak ng ulan
Pumupukaw sa aking kamusmusan

Ba’t ngayo’y nagbago ka
Ang dati mong pag-ibig
‘Di ko na nararamdaman
Nakaraan ba’y kaya pang balikan

CHORUS
Nilason nila sakdal mong anyo
Tuluyan ka nang lumayo
Pa’no na ang mga pangako
Paano na’ng mga pangarap
Paano na’ng mga pangakong sasayaw tayo sa tunog ng tagumpay

La la la…

Halimuyak mo’y aking yakap-yakap
Ang awit mo’y hinanap-hanap
Nang lumisan ito sa isang kisap
Himig ng pagmamamhal ay aking taglay
Ang lagi mong pag-ibig ang hinihintay habang ako ay nabubuhay

[Repeat CHORUS]

AD LIB

[Repeat CHORUS]

La la la…

Propeta ng Bayan

Tuesday
Jan 2,2007

Propeta ng Bayan by Agaw Agimat

Sa maka-bagong bayan, libu-lubong mamamayan
Nagtulong upang sambahin ang istatwa sa harapan
Nagtipon upang humingi ng kapatawaran
Sa istatwang nakapakong duguan

REFRAIN
Anak nananalig sa inaakalang propeta ng bayan [2x]

Hah hah hah [2x]

Huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos sa aking harapan
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang lumuluha
O kawangis man ng ano mang anyong nasa itaas ng langit, doon nasa tubig
Sa ilalim ng lupa, huwag silang paglingkuran

Hah hah hah [2x]

[Repeat 1st stanza]
[Repeat REFRAIN]

Hah hah hah [4x]

Kulang

Tuesday
Jan 2,2007

Kulang by Agaw Agimat

Ano pa ba ang gusto mo
Kung ang lahat ay nasa ‘yo
Nakamtan mo na ang hanap mo
Kulang pa ba, kulang pa ba

Ano pa ba ang hinahangad mo
Kung ang labis binigay na sa ‘yo
Ba’t ‘di ka pa makuntento
Kulang pa ba, kulang pa ba

REFRAIN
Aanhin pa ang yaman mo
Ito ba ang magpapaligaya sa ‘yo
Kung ika’y mawawala
Madadala mo ba ‘yung kulang sa ‘yo

CHORUS 1
Kulang, kulang
Kulang, kulang
Kulang, kulang
Kulang pa ba (kulang), kulang pa ba (kulang)

Nais mo’y biyaya ng iba
Ang sa ‘yo ay ayaw mo na
Silip mong kaligayahan
Kulang pa ba, kulang pa ba

Maligaya ka ba sa ginagawa mo
Sa pang-aagaw ng ‘di sa ‘yo
Makamundong pagnanasa
Kulang pa ba, kulang pa ba

[Repeat REFRAIN & CHORUS]

AD LIB

Maligaya ka ba sa ginagawa mo
Kulang ka pa, kulang ka pa
Kilala mo ba ang sarili mo
Kulang ka pa, kulang ka pa

CHORUS 2
Kulang ka pa (kulang), kulang ka pa (kulang) [3x]
Kulang, kulang (kulang), kulang, kulang (kulang)
Kulang-kulang, kulang, kulang [4x]

Mirakol

Tuesday
Jan 2,2007

Mirakol by Agaw Agimat

Huwag ka nang magdasal sa Antipolo
Upang humiling ng ’sang milagro
Buksan ang TV, magbasa ng dyaryo
Milagrong gusto mo’y mabibili mo

Merong sabong naimbento
Pampaputi raw ng balat mo
Pwedeng pampaligo, pwedeng panlaba
Pwede ring panlinis ng kaserola

‘Pag ginutom ka sa paglalaba
Ang sabong ito’y masarap ding i-miryenda
May sabon ka na
Libreng miryenda ka pa

CHORUS 1
Bang bang bang [4x]

[Repeat 1st stanza]

Sandwich spead ba ‘yong hinahanap
May bago, lalong pinasarap
Pampataba’t pampatangkad
Pampabilis din ng iyong lakad

Sa sobrang bilis, ika’y nadapa
Nasugatan ang ‘yong mga hita
Ang mirakol spead na ang bahala
Spread it to your hita nang hindi lumala

CHORUS 2
La la la [4x]

AD LIB

Payong kaibigan sa gagamit nito
Huwag magpaloko sa mga produkto
Huwag gayahin itong si Mang Sixto
Nagpauto, nagpauto ? siya nag-shampoo

Resulta?

Kumintab ang ulo
Tumubo sa mukha ‘yung balahibo
Balahibo ni Mang Sixto
Tumubo sa mukha at hindi sa ulo
Ngayo’y mukha na siyang isang tsonggo
Tsonggong kalbo [2x]
Kalbo [7x]
Tsonggong kalbo

Crap

Tuesday
Jan 2,2007

Crap by Agaw Agimat

‘Di ba’t may utang ka
Na ‘di pa nababayaran
Sabi mo’y after five days
Ako’y iyong babalikan

Isang taon na’ng nakaraan
Anino mo’y no where to be found
Ako ba’y pinagtataguan
Paano na ang pinaglalaanan

REFRAIN
(Wala nang kakasa
Putang ina, limutan na)

CHORUS
Fool someone older
Not young but to suffer
You can’t fool somebody one time
But you can’t fool everybody, everybody every time

AD LIB

No’ng ika’y sisingilin
Ibang tao ang ‘yong sisisihin
Kesyo ‘di ka rin binayaran
At ikaw rin pinagtataguan

Nagbanta kang ‘wag kang kulitin
Dahil mahirap kang kalabanin
Hawak mo ang lahat ng kaso
Dahil ikaw mismo ang hurado

[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS twice]

BRIDGE
Wow, galing mo naman
Pa’no mo nagawa ‘yan
Untouchable ka pala
Small-time mafia

Napa-bilib mo kami
Mukha kang inosente
Na may sungay sa tabi
Kayo, kayo, kayo ang kwago sa gabi

[Repeat CHORUS twice]

Don’t give me that crap, fool someone older [3x]
Fool someone older (don’t give me that crap) [4x]
Fool someone [4x]
You fool!

To Our Dear Comrades

Tuesday
Jan 2,2007

To Our Dear Comrades by Agaw Agimat

We used to share a common vision
A vision of a free nation
We used to talk about a common goal
Free, free our very soul

REFRAIN
We used to fight for our common sight
To one day see our people free
‘Cause you and me, together despite
The Muslim, me and you and you

CHORUS
Set our people free
Resist them, forget our differences
Enact for our common goal
Struggle for our better future

INTERLUDE

Time to resist the oppression of fright
It’s time to take on the people’s flight
It’s time to resist and get them to the hills
It’s time to continue, continue the fight

[Repeat REFRAIN & CHORUS]

AD LIB

[Repeat 1st stanza]
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS thrice]

[Repeat CHORUS thrice]

Himiglaya

Tuesday
Jan 2,2007

Himiglaya by Agaw Agimat

Sa bawat luha ang sa mata’y pumapatak
Pakinggan mo ang sanggol sa kanyang halakhak
Sa bawat paghinto ng buhay
Tingnan mo’t may pag-ibig na naghihintay

CHORUS
Kikislap ang bituin sa gabing darating
Sisikat ang araw sa ‘yong paggising
Kikislap ang bituin sa gabing darating
Sisikat ang araw sa ‘yong paggising
Magkasama, magkaramay, magkaagapay [2x]

Sa bawat pagka wala nang kasama
Humakbang ka’t marami kang makikita
Sa bawat bagyong dala ay pinsala
Sasalubong sa ‘yo ang bagong umaga

[Repeat CHORUS]

AD LIB

Magkasama, magkaramay, magkaagapay [2x]
Magkasama, karamay at kaagapay [2x]
Hawakan mo aking mga kamay
At sa himig ng laya, tayo’y sumabay

AD LIB
(Ahh…)

Kiss-a-me

Tuesday
Jan 2,2007

Kiss-a-me by Agaw Agimat

Nang una kitang makita
Malungkot ako noon at nag-iisa
Iniwan ako ng aking sinta
Naalala mo pa ba

Luhaang nakahiga
Nakatungangang tulala
Nakatitig sa kisame
Walang ibang iniintindi

REFRAIN
Pagsikat ng araw, agad kang natanaw
Ikaw at ang malikot mong galaw
Sayang, ‘di tayo bagay
Sayang, kaibigan ko
Sayang, iba ka, iba ako
Sayang, kaibigan ko

Mabuti ka pa, dinadamayan mo ako
Mapa-araw, mapa-gabi, bumaha man o bumagyo
Nandyan ka sa paningin ko
Nandyan ka sa paningin ko

[Repeat REFRAIN]

BRIDGE
Kamukha mo pa naman ‘yung dating syota ko [2x]

[Repeat REFRAIN]

Sayang, sayang, sayang, kaibigan ko
Sayang, kaibigang butiki sa kisame
Kaibigang butiki sa kisame [3x]
Kaibigang butiki

Badtrip

Tuesday
Jan 2,2007

Badtrip by Agaw Agimat

Umalis ka na naman
Palagi mo akong iniiwan
Ba’t ka naman ganyan
Wala ka na bang nararamdaman

Balak mo pa ba akong balikan
Lagi ka na lang umaalis
Nang walang paalam

CHORUS
Sinalanta ako ng bagyo
‘Di ko alam kung saan ako patungo
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand

Naanod na ako ng lahat
Wala na akong ibang masilungan
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand

REFRAIN
Malala, malala na
Ma, malala na [2x]
Malala na

Out of the country ka lagi
Kasama ang iyong mga kumpadre
Nakikipagkamustahan ka
Ako, ba’t ‘di mo kinakamusta

May panahon ka pang mag-shopping
Kasama ang iyong unang darling
Ano yan, pera mo ba ‘yan
Nakurakot mo lang sa bayan

[Repeat CHORUS & REFRAIN]

BRIDGE
Ba’t ako maghihintay sa ‘yo
Pwede kitang palitan kahit sino
Marami namang ‘di katulad mo
Hindi naka-tabako at tunay ang puso

CHORUS 2
Sinalanta ako ng bagyo
‘Di ko alam kung saan ako patungo
Tuloy pa rin ang biyahe mo
Sa Europe, Japan, Malaysia, Taiwan
Singapore, Hong Kong, USA, New Zealand

Sinalanta ako ng bagyo
‘Di ko alam kung saan ako patungo
Bisitahin mo naman ako
Sa Tawi-tawi, Ipil, Pampanga
Siquijor, Negros, Bohol at Naga

Mahiya ka
Aw!

Idol

Tuesday
Jan 2,2007

Idol by Agaw Agimat

(1, 2, 3, 4!)

INTRO

Mestiso, ang tangkad mo pa
Ang galing pumorma, ang amo-amo ng mukha
‘Di ba bida ka sa pelikula
Bakit nasa panel na naka-Amerikana

Seryoso ng mga speech mo
‘Di ka na nagpapa-cute tulad ng ginagawa mo
Nakakagulat ka naman
Biglang naging concerned sa ating bayan

CHORUS
Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula
Panis ka na

Parang ‘di bagay sa iyo
Iyang suot-suot mo, mukha kang gago
‘Di ba, iba ang image mo
Bakit ngayo’y naka-tuxedo

‘Di mo na kasama ‘yong ina
Bodyguard na lang ang gumagala
Dati script ang hawak mo
Ngayo’y gumagawa ng bill at law

CHORUS
Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula

Crush kita dati kasi ang galing mong umarte
Idol kitang talaga sa huling ginawa mong pelikula
Laos ka na

‘Di ka ba kumikita sa pelikula
Bakit mo pinasok pangurakot sa pulitika
Ba’t nga ‘yung ibang kasamang kongresista
Gusto na lang nilang (hey) maging bida sa pelikula

AD LIB
(Nye nye nye…)

Tali

Tuesday
Jan 2,2007

Tali by Agaw Agimat

Kung ang kaldero’y walang laman
At ang tiyan ay kumakalam
Kapos sa pangangailangan
Patung-patong na buwis ang sasagot dyan

Gutom ka na, gugutumin ka pa [3x]

Kung ang kamay ay kapos
At ‘di ka makakilos
Ikakadena ka ng matanggal ang
‘Di mo naman naintindihan

Kulong ka na’y ikukulong ka pa [3x]

REFRAIN
Kailan nga ba puti ang itim
Kailan nga ba [2x]
Dilat na ‘yong mga mata
Kung wala kang nakikita
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng gumising at gumaya

AD LIB

Kung may gusto kang punahin
Dahil ‘di mabuti sa paningin
Pipiringan ang iyong mata
Tatakpan ang bibig at ang tenga

Sagad ka na, sasagarin ka pa [3x]

Kung walang pagbabago
Sinimulan mo’y naglaho
Hirap na hirap na ang bayan mo
Ginagamit pa rin ng dayo

Naloko ka na, lolokohin ka pa [3x]

[Repeat REFRAIN twice]

AD LIB

[Repeat REFRAIN twice]

Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng gumising at gumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya

Batang Lansangan

Tuesday
Jan 2,2007

Batang Lansangan by Agaw Agimat

Bata, saan ka pupunta
Pagkasapit ng dilim
Ikaw ba ay may uuwian
Ikaw ba ay may magulang

Ipagluluto ka ng hapunan
Ipaghahanda ka ng higaan
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian

Nene, labi mo’y kay pula
Ngunit mukha mo’y putlang-putla
Ang ngiti mo ay may halaga
Ikaw ba ay kumain na

Nakahubad na pagdurusa
Sa nadaraanan nanghahalina
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian

CHORUS
Bagbagto, baggagto tolambi
Talambawikan bawikan
Bawikalanay kalanay, kalapaingganay

Bundoy, gising, tanghali na
Kalabitin ang Abenida
Kung palarin ay may tirang pansit
Sabay singhot sa supot ng langit

Sa elarti magtriping-triping
Huwag pasasagasa sa mga bituin
Heto ang lansangan na iyong kinagisnan
Dito rin ba kaya ikaw babawian

[Repeat CHORUS]

Sabi Nila…

Tuesday
Jan 2,2007

Sabi Nila… by Agaw Agimat

Sabihin man nilang ako ay bata pa
‘Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
“Mag-aral ka pa,” iyan ang sabi nila
Hoh hoh hoh

Maaring sa isang punto, sila ay tama
Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga
Dahil ‘di ko pa naranasan buhay ko’y itaya
‘Di ko pa naranasang sumagupa sa digma

Maaring kulang din ang aking pagkaunawa
Sa mga suliranin ng ating bansa
Maaring kulang din ang aking kaalaman
Sa iba’t ibang daing ng ating sambayanan

[Repeat CHORUS]

Ngunit dahil ba kulang pa’ng aking karanasan
At marami pa ‘kong dapat pag-aralan
Ang pag-ibig ba nila’y ‘di ko kayang pantayan
Para sa ‘kin ito’y isang maling kaisipan

Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan
Ay sa puso at hindi sa isip lang
Ito’y nararamdaman at hindi napag-aaralan
Ito’y walang kinikilalang edad kailanman

[Repeat CHORUS except last line]
[Repeat CHORUS]

Pera

Tuesday
Jan 2,2007

Pera by Agaw Agimat

Ay naku, ngayon wala kang pera
Sa susunod na buwan, bukas wala ka ring pera
Sa susunod na buwan, wala ka ring pera
Sa susunod na taon, pera pa rin ang problema

Kung wala kang pera, pangit ka
Kasi ang pera, nagpapaganda
Kung malaki ang mata, nagpapa-singkit ang pera
Kung pango ka, tatangos kang bigla

Ang pera ngayon, nasa eskuwela
Ang education, negosyo pa
Kung wala kang pera, pasensya ka
Ang universities, money down muna

Kung mayaman ka, huwag kang mag-alala
Dahil sa pera, tatagal ka
Sa ospital kasi, bayad muna
Kung wala kang pera, manigas ka

REFRAIN
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko, walang pera
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko, walang pera

Pero ang tao, ‘di tulad ng iba
Marami nang pera, pero tao ba sila

Wala kayong pera, wala kayong pera
Wala kayong pera, lahat tayo walang pera
Pero tao kayo, tao ba sila

Wanliteltu

Tuesday
Jan 2,2007

Wanliteltu by Agaw Agimat

Buntis ka na naman
Pang-ilan na ba ‘yan
‘Di na natutuo

Apat-apat ang karga habang siya’y naglalaba
Lima ang nakasunod, maliban pa sa natutulog
Bareta sa kanan, tsupon na naman sa kaliwa
Ale, mag-ingat ka baka malabhan mo sila

REFRAIN 1
Bilangin mo, bilangin mo
Baka may nawawala

CHORUS
Wanliteltu liteltri litel indians
Porlitelpayb litelsiks litel indians
Sebenliteleyt litelnayn litel indians
Tenlitel indian boys ang girls

Pagkatapos maglaba, mamamalantsa ka pa
Karga pa rin sila, daig mo pa si Buddha
Niluto mo’y sunog na, nalilito ka ba
Ale, mag-ingat ka baka maluto mo sila

[Repeat CHORUS]

Litung-lito na nga, ang ingay-ingay n’yo pa
Rinding-rindi ka na sa orkestrang uha (uha)
Dumating si Mister, ala’y nagyaya
Ale, mag-ingat, huwag kang tumihaya

REFRAIN 2
Bilangin mo, bilangin mo
Bago ka gumawa [3x]
Bago ka tumihaya

[Repeat CHORUS thrice]

Nais Ko

Thursday
Dec 7,2006

Nais Ko
Agaw Agimat

Nais kong malaman kung saan ang patutunguhan
Itong mundong puno ng karahasan
Itong mundong buhay ay isang digmaan

Nais kong makita kung ano ang kahihinatnan
Ng isang bayang hati ang katauhan
Ng isang bayang sarili ay ‘di niya malaman

CHORUS
Nais kong malaman kung saan ang patutunguhan
Nais kong makita kung ano ang kahihinatnan
Nais ko

Nais kong marinig kung ano ang tinig ng kalayaan
Sa loob nitong masikip na kawalan
Sa loob nitong sariling bilangguan

Nasi kong madama kung ano ang kahulugan
Ng adhikaing walang kabuluhan
Ng adhikaing taliwas ang katwiran

CHORUS
Nais kong marinig kung ano ang tinig ng kalayaan
Nais kong madama kung ano ang kahulugan ng kalayaan
Nais ko

Nais kong malaman kung saan ang patutunguhan (nais ko)
Nais kong makita kung ano ang kahihinatnan (nais ko)

Nais kong marinig kung ano ang tinig ng kalayaan (nais ko)
Nais kong madama kung ano ang kahulugan ng kalayaan
Nais ko

(Ahh ahh)
Nais ko (ahh, ahh, ahh)
Nais ko

Salmos 91

Thursday
Dec 7,2006

Salmos 91
Agaw Agimat

Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan
Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat

Aking sasabihin tungkol sa Panginoon
Siya’y aking kanlungan at aking katibayan
Ang Diyos ko ang Ama na siyang aking tinitiwalaan

Ang katatagan at pagtitiwala sa ating Lumikha
Tumatag ka’t magtiwala sa Diyos mong Ama

Adverts

Categories

Meta


Other Stories

Recent Posts