Lolo Jose
Coritha
Noong panahong siya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama’y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya’y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya’y malakas at bata pa
CHORUS
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na ‘di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro’n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya’y matanda at laos na
[Repeat CHORUS]
Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon
‘Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso
‘Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa
[Repeat CHORUS]
Linawin Mo
Coritha
Kung nais mo nang umiwas, bigkasin mo na
Sana’y linawin mo na, linawin mo na
Dahil sa ako’y puno na sa iyong dahilan
Linawin mo na, sabihin mo na
Huwag mo na akong itulad sa iyong pusong tigang
Na ‘di nahabag, ‘di na nahabag
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Linawin mo na, sabihin mo na
CHORUS 1
Maaalaala mo na rin ako minsan sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi
Isip ko’y lagi na lang naghihintay
Ng araw na ‘di matanaw, ‘di ko matanaw
BRIDGE
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap, huwag nang magdahilan pa ng iba
Linawin mo na, ang isip ko’y ‘di mapalagay
Sabihin mo, wala nang magagawa at ‘di ako mapalagay
[Repeat CHORUS 1]
CHORUS 2
Maaalaala mo na rin ako minsan sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi, dilim ng gabi, doon ka magsisisi
Magtapat ka lang kahit ano pa ang iyong naging pasiya
‘Di hahadlangan, ‘di na hahadlangan
[Repeat BRIDGE]
Oras Na
Coritha
May bulong, dinggin mo
Ihip ng ating panahon
May sigaw, dinggin mo
At ubos na ang oras mo
Oras na, magpasiya
Kung saan ka pupunta
Oras na, oras na
Mag-iba ka ng landas
CHORUS
Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang
Kung daa’y ‘di tiyak
At ang ulo’y laging ligaw
Damhin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
[Repeat CHORUS]
Dinggin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
Oras na, oras na
Magbuo ka ng pasiya
[Repeat CHORUS]
Takot ay nasa isip lamang
Sierra Madre
Coritha
Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin
Nakalarawan doon ang maraming kong alaala
At bigla akong lumuha dahil ako’y sabik na
Sa lalawigan kong minumutya
Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin
Mga magulang nama’y nag-aalala sa akin
O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis
Gumagaan ang hirap ko at pasakit
CHORUS
Awitin ko, awitin ko’y makauwi na
Sa duyan ng aking kamusmusan
Sa piling mo, o, Sierra Madre
Kandungan mo’y laging hinahanap
AD LIB
Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang
Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap
Kaya’t kung mayro’n mang nakikinig sa aking damdamin
Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin
[Repeat CHORUS]
Kandungan mo’y laging hinahanap [2x]