“Lipad Ng Pangarap” Lyrics
By Dessa
Taglay mo ang bagwis ng iyong paghayo
at ang pangako ng walang hanggang bukas
pabaon man sayoy hapdi ng puso
aabutin ang pangarap
at ang bunga ng wagas mong pagsisikap
pag-unlad ng kabuhayang marilag
kapalit ng kahirapang dinaranas
pag angat nitong bayang nililiyag..
Chorus 1:
liparin mo ang hangganan ng langit
sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
ang tagumpay na bunga ng lahat ng iyong pagpupunyagi
pangarap ng inang bayang tinatangi
tutularan ka ng sunod na salin-lahi
kapuri-puringapg aalay ng lakas
pagpupugay sa makabagong bayani
ang buong bansa’y nagpapasalamat
Repeat Chorus 1:
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
na kamtin m,o sa duolo ngalahat ngiyong pagpapagal
ang tamis na dulot ng iyong tagumpay…
ang tamis na dulot ng iyong…tagumpay
iyong tagumpay
Hangin, Ulan, Araw at Lupa
Dessa
Ugnayan ng kalikasan, kinapal ni Bathala
Pugad ng kanyang pagtatangi sa sang-nilikha
Unti-unting winawasak, unti-unting sinisira
Ng ating kawalan ng puso’t pagkalinga
Lason sa hangin, tayo rin ang kikitlin
Ulan na naging baha, tayo ay lulunurin
Ang tindi ng araw, tayo ay susunugin
Tigang na lupa, tayo rin ang gugutumin
REFRAIN
Ang masayang ugnayan ng ating kalikasan
Sige, sirain mo’t ikaw rin ang babalikan
CHORUS
Hangin, ang simoy ng buhay at sigla
Ulan, ang buhos ng biyaya
Araw, ang sikat ng tuwa
Sa lupa na dibdib ng pag-asa
Ulan at hangin, araw at lupa
Pagyamanin natin sa puso at gawa
Puno, halaman, hayop at sangkatauhan
Sisigla sa tuwa, sa pag-asa at biyaya
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS twice]