Panaginip
P.O.T
Laging nawawala, laging naghahanap sayo.
Walang magagawa laging nag iintay sayo.
Kulayan mo ngayon aking mundo,
bigyang liwanag at buhay, di inaasahang sapitin ito,
langit sa gitna ng yakap mo.
Sa panaginip lang tanging wala kang kapantay.
Walang katulad pa sarap ng ating pagsasama.
Tanging ligaya ka, laman ng isip ko sa tuwina.
Kapag nagdidilim, nag iintay pa rin ako.
Kahit na sa panaginip lang nagmamahal pa rin ang puso ko.
Pedestal
Hiraya
like a nullifying spell
that encroached on my spirit
the unwavering light you possess
i alone was gifted to sense
do raise your wine glass
and toast to your triumph
it wouldn’t make much sense
to not do otherwise
and now
from the ebb of my thoughts
you rise in all your glory
consumming me
like dry leaves
being feathered to the fire
must you trample on my ashes?
1000 Itim Na Dahon
hiraya
marahil ika’y nadapa
sa katotohanang inabot
na sa iyo’y kapusukan at pakla
ang gapas ng panahon
sa palad mo’y nakaukit
salin-lahing daloy ng kaisipan
walang tigil na hinagpis
and tanging galaw ng mga kamay
ngunit kapilas ng pag-unawa
ang basbas ng karanasan
kahit tila pangunguling ng diyos
ang habi ng kapalaran
kung ang katauha’y sinakluban
ng sanlibong itim na dahon
sunugin lahat ng ito’t
palayain ang kaluluwa
Lolo Jose
Coritha
Noong panahong siya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama’y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya’y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya’y malakas at bata pa
CHORUS
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na ‘di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro’n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya’y matanda at laos na
[Repeat CHORUS]
Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon
‘Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso
‘Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa
[Repeat CHORUS]
Linawin Mo
Coritha
Kung nais mo nang umiwas, bigkasin mo na
Sana’y linawin mo na, linawin mo na
Dahil sa ako’y puno na sa iyong dahilan
Linawin mo na, sabihin mo na
Huwag mo na akong itulad sa iyong pusong tigang
Na ‘di nahabag, ‘di na nahabag
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Linawin mo na, sabihin mo na
CHORUS 1
Maaalaala mo na rin ako minsan sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi
Isip ko’y lagi na lang naghihintay
Ng araw na ‘di matanaw, ‘di ko matanaw
BRIDGE
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap, huwag nang magdahilan pa ng iba
Linawin mo na, ang isip ko’y ‘di mapalagay
Sabihin mo, wala nang magagawa at ‘di ako mapalagay
[Repeat CHORUS 1]
CHORUS 2
Maaalaala mo na rin ako minsan sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay sa dilim ng gabi, dilim ng gabi, doon ka magsisisi
Magtapat ka lang kahit ano pa ang iyong naging pasiya
‘Di hahadlangan, ‘di na hahadlangan
[Repeat BRIDGE]
Oras Na
Coritha
May bulong, dinggin mo
Ihip ng ating panahon
May sigaw, dinggin mo
At ubos na ang oras mo
Oras na, magpasiya
Kung saan ka pupunta
Oras na, oras na
Mag-iba ka ng landas
CHORUS
Tayo na sa liwanag
Ang takot ay nasa isip lamang
Tama na ang pag-aalinlangan
Ang takot ay nasa isip lamang
Kung daa’y ‘di tiyak
At ang ulo’y laging ligaw
Damhin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
[Repeat CHORUS]
Dinggin mo, damhin mo
Ang landas ng puso mo
Oras na, oras na
Magbuo ka ng pasiya
[Repeat CHORUS]
Takot ay nasa isip lamang
Sierra Madre
Coritha
Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin
Nakalarawan doon ang maraming kong alaala
At bigla akong lumuha dahil ako’y sabik na
Sa lalawigan kong minumutya
Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin
Mga magulang nama’y nag-aalala sa akin
O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis
Gumagaan ang hirap ko at pasakit
CHORUS
Awitin ko, awitin ko’y makauwi na
Sa duyan ng aking kamusmusan
Sa piling mo, o, Sierra Madre
Kandungan mo’y laging hinahanap
AD LIB
Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang
Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap
Kaya’t kung mayro’n mang nakikinig sa aking damdamin
Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin
[Repeat CHORUS]
Kandungan mo’y laging hinahanap [2x]
Ina
Freddie Aguilar
Siya ang iyong ina
Na sa ‘yo’y nagsilang
Siya ang ‘yong ina
Na sa ‘yo’y nagmahal
Magmula nung bata ka
Ay ‘di ka niya binayaan
Lagi siya sa ‘yong tabi
‘Di humihiwalay sa ‘yong piling
CHORUS
Siya ang ‘yong ina
Na sa ‘yo’y nagmahal
Siya ang ‘yong ina
Na ngayo’y lumuluha
Siya ang ‘yong ina
Ano ang iyong ginawa
Labis mong sinaktan
Ang kaniyang damdamin
‘Di mo man lang pinansin
Ang kanyang mga bilin
[Repeat CHORUS 4x]
Buhay
Freddie Aguilar
Buhay nga ba’y sadyang ganyan
Ang hirap ay ‘di natin maiwasan
Kalungkutan ay lagi na lang
Kasiyahan ay minsan lang makamtan
REFRAIN
O, buhay
Kahit sa mga mayaman
Ay ‘di lubos ang kanilang kasiyahan
Sa buhay ng mahirap ay gayon din
Lalo pa’t kay dami mong mga utang
[Repeat REFRAIN]
AD LIB
Kaya ang dapat nating gawin
Maglibang-libang at ating limutin
Buhay ng tao’y sadyang ganyan
‘Di mo na dapat na pagtakahan
[Repeat REFRAIN twice]
Sadyang ganyan
Buhay Nga Naman ng Tao
Freddie Aguilar
Oh, ang buhay nga naman ng tao
‘Di mo maintindihan at ‘di mo malaman
Kung saan ka tutungo
At kung nakamit mo na ang pangarap
‘Di pa rin masiyahan, ang nais mo’y madagdagan
Limot mo na ang ‘yong pinagmulan
REFRAIN
Bakit nga ba ganito
Ang tao’y walang kasiyahan
AD LIB
La la la la la la la la
La la la la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la la
[Repeat REFRAIN]
Kinabukasan
Freddie Aguilar
Ikaw pala lagi ang tama
‘Di ka na ba matututo
Kinabukasan na pinabayaan mo
Wala nang katinuan sa utak mo
CHORUS 1
Kain, tulog, walang trabaho
‘Di ka ba nahihiya sa aasal mo
Kahit na anong pangaral sa ‘yo
‘Di pumapasok sa ‘yong ulo
Tumatandakang walang pakinabang
Sakit sa ulo ang dulot mo
Adik ka sa mga tao
Dapat kang mahiya sa balat mo
CHORUS 2
Kain, tulog, walang trabaho
Daig mo pa ang isang aso
Kahit na anong pangaral sa ‘yo
‘Di pumapasok sa ‘yong ulo
Alaala
Freddie Aguilar
Akin pang naaalala
Noong si Ama’y nabubuhay pa
Ang sabi niya’y, “Freddie
Mag-aral kang mabuti
Tulungan mo ang ‘yong sarli”
Ang nais niya’y hindi nasunod
‘Pagkat ako’y may dahilan
Ang nais ko’y umawit
Tumugtog ng gitara
At ako’y kanyang pinagbigyan
At kami’y nagkahiwalay
‘Pagkat ako’y nangibang-bayan
At nang kami’y magkita
Siya ay bangkay na
Pumanaw na ang aking ama
Saan man siya naroroon
Mga payo niya’y tataglayin ko
Ang kanyang alaala
Ay lalagi sa isip ko
Kahit siya’y wala na
[Repeat 1st stanza]
CODA
Tulungan mo ang ‘yong sarili
Tulungan mo ang ‘yong sarili
Tulungan mo ang ‘yong sarili
Pulubi
Freddie Aguilar
Ang suot niya ay lumang-luma
At ang kanyang mga mata’y malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan
Maghapon siya sa mga daan
Nanghihingi ng kaunting tulong
At madalas n’yo siyang hamakin at libakin
CHORUS
Siya ay pulubi, hinahamak ninyo
Siya ay pulubi, tao ring katulad niyo
At pagsapit ng dilim
Wala man lang siyang matutuluyan
Sa lamig ng paligid, walang makublihan
Kailan niyo siya kaaawaan
Kailan niyo siya mauunawaan
‘Pag ang lahat ay huli na, siya’y lilimusan
[Repeat CHORUS twice]
Higit sa Lahat Tao
Freddie Aguilar
Iyong ihandog ang buhay at puso
Sa bawat tao sa ibabaw ng mundo
Pangalagaan ang katahimikan
At ialay mo ang kadakilaan
Higit sa lahat ay tao
Ito’y dulutan ng kasaganahan
Ito’y handugan ng kaligayahan
Gawing matatag ang iyong kalooban
Bigyang liwanag ang bawat isipan
Higit sa lahat ay tao
AD LIB
[Repeat 1st stanza]
AD LIB
Higit sa lahat ay tao
Higit sa lahat ay tao
Katulad mo
Bulag, Pipi at Bingi
Freddie Aguilar
Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi
Madilim ang ‘yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
CHORUS
‘Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[Repeat CHORUS]
AD LIB
Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay ‘di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Repeat CHORUS]
‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Problema
Freddie Aguilar
[Laughing]
Sari-saring problema
Ang sa ulo mo’y tumotorta
Lahat na halos ng paraan
Sinubok mo ngunit ‘di umubra
Ba’t ‘di ka tumawa, tumawa ka
Tawanan mo ang ‘yong problema
‘Di mo dapat dibdibin
At ‘wag mong masyadong isipin
Libangin mo ang iyong sarili
Tawanan mo ang iyong problema
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema
AD LIB
[Laughing]
Ganyan nga, kaibigan
Tawanan mo ang iyong problema
‘Wag mong isipin nang todo
Baka ikaw ay maloko
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema
AD LIB
[Laughing]
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema
Magbago Ka
Freddie Aguilar
‘Di ka man lang nag-isip
‘Di ka man lang nagsikap
Pinabayaan mo ang iyong kinabukasan
Ba’t ka ganyan
‘Di naman sila nagkulang
Ibinigay ang ‘yong kailangan
Bakit bumagsak ka sa kalokohan
Nagpabaya ka
Lagi kang naglalasing
Magulang mo’y ‘di pinapansin
Nais lang naman nila’y sa ‘yong kabutihan
Magbago ka
CHORUS
Magbago ka
Magbago ka
Magbago ka
INTERLUDE
Kung lalagi kang ganyan
Ikaw ay walang pupuntahan
Baka umabot ka hanggang sa kulungan
Mag-isip ka
‘Di ka ba naaawa
Sa ‘yong mahal na ama’t ina
Nabibilang na ang kanilang mga araw
Magbago ka
[Repeat CHORUS]
‘Di ka ba naaawa
Sa ‘yong mahal na ama’t ina
Bibiguin mo ba ang kanilang mga pangarap
Magbago ka
[Repeat CHORUS]
Nang ‘di ka magsisi sa huli
I Believe
Jimmy Bondoc
I believe na ikaw lang at ako
Kung kaya’t tayo ay pinagtagpo
I believe, kapalaran mo’y ako
At sana ay gano’n din ang puso mo
REFRAIN 1
Noong una ay hindi mo ‘ko gusto
Kaibigan lang ang turing mo
Paano na ako
CHORUS
Araw-araw, maghihintay
Hawak lamang ang sinabi mong
Baka mahal mo rin ako
Tama na sa ‘kin ang minsa’y
Binigyan mo ng pag-asa
Basta’t mahal kita
Ikaw lang at ako
Ang magsasabi ng “I love you”
I believe may ibang pangarap ka
At kay tagal, laging ‘di magkikita
Kung saan ka dalhin ng puso mo
Asahan mong ang pag-ibig ko’y sa ‘yo
REFRAIN 2
Lumipas ang araw at parang kay tagal
Sa mga bituin nakatingin
Kausap ay ikaw
[Repeat CHORUS]
BRIDGE
Ang buhay ko’y ikaw kailan pa man
Kahit tayo’y magkalayo
Tadhana na ang s’yang daan
Nang pag-ibig mo’y maramdaman
Basta’t ikaw ang pangako ko
[Repeat CHORUS]
Ikaw lang at ako
Ang magsasabi ng “I love you”
Is She Thinking About Me
Jose Mari Chan feat. Christine Bersola
Is she thinking about me
Does she remember my name
Is she hoping I’d call
Do I matter at all
Or her feelings the same
Is he thinking about me
Does he remember my name
How I wish he would call
Do I matter at all
And will I ever be the same
CHORUS
Yet I know what she’s feeling
I can still feel the touch of her hand
I could swear this is just the beginning
Please let her be thinking of me
I’m the one of the many
How could I be the girl of his dreams
Was I caught by surprise
When I looked in his eyes, I saw me
Is this love that I’m feelin’ (is this love)
I can never let go
There’s no way I can hide
All I’m feeling inside
Let it show
CHORUS
Yet I know what she’s feeling (I know what she’s feeling)
I can still feel the touch of her hand
(And I could) I could swear this is just the beginning
Please let her be thinking of me
I’m the one of the many (right or wrong of her dreams)
How could I be the girl of his dreams
Was I caught by surprise
When I looked in his eyes, I saw me
Is this love that I’m feelin’
Or I just want her to know
There’s no way I can hide
All I’m feeling inside (there’s no way I can hide)
Let it show
Sing Me Your Song Again, Daddy
Jose Mari Chan feat. Cherie Gil
Sing me a song again, Daddy
Sing me a happy verse
Teach me those clever rhymes you sang
As you carried me on your shoulders
Sing me that hymn that you so loudly
Sang in church with Mom
Sing it again to me and fill me
With all your words of wisdom
Comforting words I’ve loved when I
Would get home from school in tears
Somehow your songs have stayed within me
Down through all the years
Once when my younger heart was broken
Your shoulder was there to cry on
Sing me those songs I know will linger
Long after you have gone
I am standing at the threshold
Of the chapter in my life
I am asking for your blessing
As I’m about to be the wife
Of a man I know who loves me
And I’m proud to be his bride
Dad, the time has come for me
To leave your side
So, sing me a song again, Daddy
Sing me a lullaby
Wrap me inside your arms, Daddy
Though this is not goodbye
Your songs will live forever
In my heart when times get rough
The ones I’ll most remember
Are your songs of love
(Your songs will live forever
In my heart when times get rough)
The ones I’ll most remember
Are your songs of love
Please Be Careful With My Heart
Jose Mari Chan feat. Regine Velasquez
If you love me like you tell me
Please be careful with my heart
You can take it, just don’t break it
Or my world will fall apart
You are my first romance
And I’m willing to take a chance
That ’til life is through
I’ll still be loving you
I will be true to you
Just a promise from you will do
From the very start
Please be careful with my heart
I love you and you know I do
There’ll be no one else for me
Promise I’ll be always true
For the world and ours to see
Love has heard some lies softly spoken
And I have had my heart badly broken
I’ve been burned
And I’ve been hurt before
So I know just how you feel
Trust my love it’s real for you
I’ll be gentle with your heart
I’ll caress it like the morning dew
I’ll be right beside you forever
I won’t let our love fall apart
From the very start
I’ll be careful with your heart
CHORUS
You are my first romance (and you are my last)
And I’m will to take a chance (I’ve learned from the past)
That ’til life is through, I’ll still be loving you
I will be true to you (I will be true)
Just a promise from you will do (only to you)
From the very start
From the very start
From the very start
From the very start
From the very start please be careful with…
I’ll be careful with…
(My/you’re) heart
‘Di Ko Na Kaya
Faith Cuneta
Di ko na kaya pang itago
Ang nararamdaman sa iyo
Umaasang ikaw sana’y mayakap
‘Di ko na kaya pang ilihim
Nasasaktan lang ako
Sa ‘king pag-iisa, hinahanap ka
CHORUS
‘Di ko kailangan ng kayamanan
Puso mo ang tangi kong inaasam
Hindi ko kayang ikaw ay malayo
Mawalay ka sa piling ko
Sana ay ikaw ang kapalaran
Sa bawat araw ay aking mahahagkan
Habang ang buhay ko ay narito
Handa kong ibigay sa iyo
INTERLUDE
[Repeat 2nd stanza]
[Repeat CHORUS]
BRIDGE
Kay sarap damhin
Ang tunay na pagmamahal
Katulad nitong pag-ibig ko sa ‘yo
CHORUS
‘Di ko kailangan ng kayamanan
Puso mo ang tangi kong inaasam
Hindi ko kayang ikaw ay malayo
Mawalay ka sa piling ko
Sana ay ikaw ang kapalaran
Sa bawat araw ay mahahagkan
Habang ang buhay ko ay narito
Handa kong ibigay sa iyo
Pag-ibig Ko’y Pansinin
Faith Cuneta
Narito ang pag-ibig ko
Ibibigay nang buong-buo
Nangangarap nang mag-isa
Umaasa na makapiling ka
Narito ang buhay ko
Nakalaan para sa iyo
Naghihintay ng pag-asa
Na sana ay iyong madama
CHORUS
Langit ka, lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita, mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit ‘di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana’y mapansin
Narito ang awit ko
Ang himig nitong puso
Naglalarawan ng pagsinta
Nagbibigay ng sigla’t saya
[Repeat CHORUS]
BRIDGE
Ang pagtingin mo’t pagmamahal
Damdaming iingatan nang kay tagal
CHORUS
Langit ka at lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita, mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit ‘di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana’y mapansin
Network “I”
17:28
Intense, grabe, wala akong masabi
Hindi pa drained ang energy kahit gumimik kagabi
In style, si Kyle nama’y hindi pahuhuli
Signature jeans, shirt at ang phone
Laging bago ang ringing tone
In fact, si Jack ay nag-reformat na ng ways
Nag-disconnect sa bisyo niya
At nag-upgrade ang kanyang grades
Ibang-iba talaga ang cyber tropa kong ito
OK dito, sama kayo
CHORUS
Huwag nang hayaang mawalang saysay
Gawing makulay ang iyong buhay
Ano pa bang iyong hinihintay
Join ka na sa Network I
Join ka na sa Network I
Informed, hindi kami mga walang alam
We can chat about issues, politics, showbiz
Technology, or anything above the sun
Do you hear my message clear
Pwedeng i-text, i-e-mail, or instead, i-download mo sa net
Involved, hindi rin kami mga walang pake
Handang manindigan para sa karapatan
Kahit hanggang kalye
Kinabukasan namin, ipaglaban ’til the end
Kahit pa mag Edsa 10
[Repeat CHORUS]
AD LIB
[Repeat CHORUS]
Come Breathe Me
17:28
CHORUS
(Come breathe me)
I’m taking you up, lifting you higher
(Come see me)
I’ll show you a way where no road will lead
(Come live me)
I’ll get you right through, believe it, it’s me and you
(Come breathe me)
I know it’s hard walking all alone down this long and bumpy road
With no one to cry on, no one to lean your head upon
But, baby, look harder now ’cause somewhere in the dark
I’m here to light a spark
(Ahh hoo)
[Repeat CHORUS]
(Come breathe me)
It’s painful, I know, living life with all it’s hurts and troubles
I’m on your side pushing away your tears and sorrows
But you’ve gotta hang on, together we’ll carry on
You gotta get up and walk on
[Repeat CHORUS]
Come breathe me, yeah
(Hoh ooh)
BRIDGE
But half way to go your way
To keep you away from your road
But you gotta be strong, my friend
Don’t waiver, keep hangin’ on
‘Cause you’ll make it through the night
You gotta run the race, you gotta win the fight
(Come breathe me)
Gonna be there, I’m gonna be there for you, I’m gonna be there for you, my baby
No matter how far you go, you gotta be strong, gotta be strong, hang on
Life is not too sure for me but believe me, baby, you will see
Open up your heart, why don’t you come breathe me
(Come breathe me)
I’m gonna be there for you, I’m gonna be there for you, my baby
No matter how far you go, you gotta be strong, gotta be strong, hang on
Life is not too sure for me but believe me, baby, you will see
Open up your heart, why don’t you come breathe me
[Repeat CHORUS]
Come, come breathe me
Come see me
Come see me
Come breathe me
Come breathe me
Come see me
Come live me
Come breathe me
Ooh
Sukob Na
17:28
Tuwing umuulan ay naaalala tayong dalawa
Kay sarap isipin na may kasama sa buhay ‘pag bumaha
CHORUS 1
Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Sa payong ko, magkasama tayo
Ohh ooh
(Sukob na, sukob na)
Hinding-hindi ka pababayaan na mag-isa sa ulan
Aalagaan, magtatawanan, wala na ‘tong iwanan
CHORUS 2
Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula’t bumagyo, magkasama tayo
BRIDGE
‘Di ko na inakala pa na ika’y paririto
Ngunit salamat na lamang at dumating ka sa buhay ko
[Repeat CHORUS 2]
CHORUS 3
Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Yakap ka, kapit pa
Umula’t bumagyo, magkasama tayo
Sa payong ko, magkasama tayong dalawa
(Sukob na, sukob na)
All I’ve Got
17:28
If I could just find a way to get inside your heart
I would be the luckiest guy
If I can just be the one who’d be by your side
Just a chance to feel what it’s like
REFRAIN 1
And I’d do anything to be in his shoes
‘Cause I know I could give even more
CHORUS
Baby, this love, it’s all that I’ve got
More than diamonds and pearls and all the wealth in this world
Baby, this love, it is all that I’ve got
But I know it’s gonna last forever and ever
(Ooh, love, it’s all that I’ve got)
It’s all that I’ve got (it is love)
Standing outside your world, wishing you’d let me in
And I’d show you what my love can bring
Helplessly hoping you’d give me half a chance
‘Cause I know I’m just one step away
REFRAIN 2
And I live in a dream that I wish would come true
Waiting for a happy ending
[Repeat CHORUS]
(Forever and ever)
BRIDGE
I may not have too much to give
But how can you stop the feeling so strong
All I ever want to be is right by your side (right by your side)
Right by your side (by your side)
[Repeat CHORUS except last two words]
Baby, this love
Baby, this love, it is all that I’ve got
But I know it’s gonna last forever (oh) and ever
(Ooh, love, it’s all that I’ve got, it is love)
It’s all that I’ve got
Kulang na Kulang
Joy & Be’s
Sa tuwing magkasama
Parang bale wala
Nagmumukhang hangin
Dumaang bale wala
Ni ayaw mong hawakan aking kamay
CHORUS
Kulang na kulang ba
Hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat
Panahon ko sa ‘yo
Anong gagawin
‘Di mo pinapansin
Hetong damdamin
Aking paglalambing
Minsan ako’y nakahalata
Ika’y tulala
Malalim ang iniisip
Malayo ang tingin
Aking nalaman
Nabaling sa iba
Ang nilalaman ng ‘yong damdamin
[Repeat CHORUS]
BRIDGE
Buong magdamag, nag-isip kung bakit
Paanong nangyari ito sa akin
Ayaw mo na pala, ba’t ‘di mo sinabi
Nagsawa ka na, paano na
[Repeat CHORUS twice]
Oh hoh
Mmm
Oh hoh
Sakto
Janelle Jamer
Parami nang parami
Ang mga nagsasabi
Na siya ang piliin ko
Liligaya daw ako
Tiyak na magkakasundo
At hindi ako magsisisi
(O, ‘di ba)
Sa araw man o gabi
Lagi daw nasa tabi
Siya’y laging maghihintay
Siya’y hindi hihiwalay
Lagi daw kaming sabay
At hindi ako malulumbay
(O, ang saya)
CHORUS
Sakto (sakto)
Ikaw ang gusto ko
May asim at alat
Magkabagay tayo
Sakto (sakto)
Ikaw ang gusto ko
Parang Datu Puti
Suka at toyo
Patagal nang patagal
Pasarap nang pasarap
Pakilig nang pakilig
Patamis nang patamis
Pabango nang pabango
‘Yan ang gustung-gusto kong amoy mo
(Ang bango)
[Repeat CHORUS twice]
‘Pag ikaw ang minahal
Gusto ko ay ako lang
Parang sakto ang presyo
Walang labis at kulang
Parang sakto ang gamit
At hinding-hindi mo ipagpapalit
(Ako lang, ha)
[Repeat CHORUS twice]
Parang Datu Puti
Suka at toyo
(Huli ka)
[Datu Puti Sakto Pack
Saktong sarap sa saktong presyo]
Rhyme Without Reason
Hilera
Stuck in a holy ground
Stuck in a holy ground
Oh, and I can’t get out
Oh, and I can’t get out from this
Made answers to satisfy
Made answers to satisfy
Comments for you to cry
Comments for you to try again
CHORUS
Rhyme, rhyme without reason [4x]
INTERLUDE
Stuck in a holy ground
I’m stuck in a holy ground
Oh, and I can’t get out
Oh, and I can’t get out from this
[Repeat 2nd stanza]
[Repeat CHORUS]
AD LIB
[Repeat CHORUS]
Stuck in a holy ground
I’m stuck in a holy ground
Oh, and I can’t get out
Oh, and I can’t get out from this