“Ikaw” Lyrics
By Ariel Rivera & Sharon Cuneta
Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
ang ibigin ko’y ikaw
Ikaw ang tanglaw sa ‘aking mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo’y may papalit
Ngayo’t kailanma’y ikaw
Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpakailan pa man
Upang bawat sandali ay
Upang muli’t muli ay
Ang mahalin ay
Ikaw
Sana’y Wala Nang Wakas
Sharon Cuneta
Sana’y wala nang wakas
Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa ‘yong piling
Ay ligaya kong walang kahambing
REFRAIN
Kung ‘di malimot ng tadhana
Bigyang-tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka’t walang katapusan kitang iibigin
CHORUS
Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung ‘yan ang paraan upang landas mo’y masundan
Kahit ilang ulit ako’y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan
Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin
Sana’y wala ng wakas
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
Dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]
‘Di lamang pag-ibig ko
‘Di lamang ang buhay ko’y ibibigay
Sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko
Mr. DJ
Sharon Cuneta
Mr. DJ, can I make a request
Pwede ba yung love song ko
Mr. DJ, para sa ‘kin ito
Sana ay okay sa ‘yo
Hihintayin ko na patugtugin mo
Thank you uli sa ‘yo
Kahit luma na ang aming awit
Nais ko ring marinig
Kahit man lang sa ‘king alaala
Ay makasama ko siya
Nasa’n man siya, mayro’n mang iba
Ito’y para sa kanya
CHORUS
At sana’y nakikinig siya
Naaalala kaya niya
Ang love song namin noon
Na niluma na ng panahon
Mr. DJ, salamat sa ‘yo
Sumasabay din ako
Sa love song namin noon
Na niluma na ng panahon
Mr. DJ, can I make a request
Pwede ba yung love song ko
Mr. DJ, para sa ‘kin ito
Sana ay okay sa ‘yo
Nasa’n man siya, mayro’n mang iba
Ito’y para sa kanya
[Repeat CHORUS]
Mr. DJ [2x]
(Mr. DJ) [3x]
Hello, Mr. DJ? Hi!
Pwede ba ‘kong mag-request?
Ya, ‘yon bang kantang gustung-gusto ko
Oo. Thank you.
Bituing Walang Ningning
Sharon Cuneta
Kung minsan ang pangarap
Habambuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
‘Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa
Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa’y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
‘Di kayang pantayan ating ningning
CHORUS 1
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na ‘di magtatagal
Mabuti pa kaya’y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito’y walang paglaho mong pagtingin
CHORUS 2
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako’y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig
[Repeat 2nd stanza]
[Repeat CHORUS 1]
[Repeat REFRAIN 2 except last line]
Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig
Ang Pagibig Kong Ito
Sharon Cuneta
Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunikt ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking maranasan
Yan ay ayokong kanyang malaman
Mga araw na nagdaan
Kailanma’y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko’y walang hangganan
Ang pagibig kong ito
Luha nag tanging nakamit buhat sayo
Kaya’t sa maykapal tuwina’y dalangin ko
Sana’y kapalaran ko ay magbago
Hagkan
Sharon Cuneta
Hagkan at iyong pagmasdan
Ang ating kay sayang nag-daan
Pasuyo at lambingan
Laging nakakamtan.
Sundan at iyong pakinggan,
Tinig ko na nagpa-paalam;
Tumahan ka’t magsaya,
Pagkat may sikat pa
(bridge)
Tinan mo ang ating umaga
Kay tamis at may pag-asa;
O kay sarap isipin,
Tayo’y may bukas din.
Ako ay magba-balik rin
Sa umaga, sa ‘yong pag gising
‘wag nang, lumuha pa,
Di na iiwan pa.
O kay sarap isipin;
Tayo’y may bukas din
(repeat 2x except last line
Coda:
…pa
By: roschelle morada dano
More lyrics here: