Araw Araw, Gabi Gabi by Armarie Cruz & Didith Reyes

Album: Philippine Idol The Final 12

Araw-araw, gabi-gabi
Ay naghihintay
Ng ligayang ‘di malasap
Ng sawi kong buhay

Ba’t di na matapos ang hirap ko
Sa gabi’t araw
Hanggang kailan matitiis
Ang luhang kay pait
Sa puso’y kay sakit

[Chorus]
Araw-araw, gabi-gabi
Ay nagdarasal
Na damayan ng giliw ko
Na tanging minahal
Pagka’t ligaya na ng buhay ko
Makapiling ka lamang
Gabi’t araw sa iyo’y naghihintay

[repeat Chorus]

Remond Sajor: Hindi Magbabago (Randy Santiago)

Album: Philippine Idol The Final 12

Nang matapos na’ng lahat, ako’y nahirapan
Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan
Pinag-iisipang husto sa naiibang mundo
Kay hirap nang wala sa piling mo

Ginawa ko na’ng lahat para sa atin
Ngunit ika’y nagbago ng hangarin
Kahit wala na tayo’ at masakit man sa puso
Ay hindi nawawala, mga alaala

[Chorus]
At hindi nagbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili ‘to at hindi magbabago

Ginawa ko na’ng lahat para sa atin
Ngunit iba pa rin ang nangyari
Walang-walang tatalo sa lahat nang dinanas ko
Pagnanais na ika’y mapasa-aking muli

[repeat Chorus]

Kahit malayo na’y malapit ka pa rin
Sa aking puso, oh

At hindi nagbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili ‘to

Mananatili to, mananatili to
At hindi magbabago

At hindi magbabago