“Bakasyon” Lyrics
by Peryodiko

T’wing nabibigo ay napapako sa ’sang tabi
karamay ang mga bituin..nagpipigil..
nanggigigil, napapakamot sa isandaang taong
pag-aantay..naglalakbay na’ang isip

Hindi na muli padadala sa iyong mga ngiti

Hailangan ko ng bakasyon
maaari bang magpahinga ang puso kong
patalon-talon tuwing nabibitin
sa kung ano ba ang alin

‘Di lang isang beses…
apatnapu’t walong libo at pitong daang mga paraan
nasusubukan tila di nauubusan
pano ba naman, halos talunin ko na ang buwan
namimilipit na ang tiyan
ngunit pati pagsuyo’y may hangganan

Hindi na muli padadala sa iyong mga ngiti

Kailangan ko ng bakasyon
maaari bang magpahinga ang puso kong
patalon-talon tuwing nabibitin
sa kung ano ba ang alin

Bakasyon..kailangan ko ng bakasyon…