Robot Ka Ba? by
Aizo

Naglalakad ka sa kalye, nababasa ng ulan
Feeling mo kakalawangin ka, eh hindi naman!

Umiinom ka ng gatas,na may kahalong gas
Naglalaklak ka ng langis, lumalabas na pawis
Ang ‘yong mata, namumula sa galit
Ang ‘yong katawa’y namimilipit
Bakit mo ba ako pinipilit
Kung ako’y alimango, ika’y aking sinipit
Buhay mo’y walang kakulay-kulay
Hinde ka ba nagsasawa’t nauumay
Kulang na lang tubuan ka ng sungay
Tumigil ka na nga’t umuwi na lang sa bahay
Sumasayaw ka ng mag-isa,
Lalo ka lang nagmumukhang tanga
Kasingtigas ng bakal ang ulo mo
Hoy gago! robot ka ba