Tali by Agaw Agimat

Kung ang kaldero’y walang laman
At ang tiyan ay kumakalam
Kapos sa pangangailangan
Patung-patong na buwis ang sasagot dyan

Gutom ka na, gugutumin ka pa [3x]

Kung ang kamay ay kapos
At ‘di ka makakilos
Ikakadena ka ng matanggal ang
‘Di mo naman naintindihan

Kulong ka na’y ikukulong ka pa [3x]

REFRAIN
Kailan nga ba puti ang itim
Kailan nga ba [2x]
Dilat na ‘yong mga mata
Kung wala kang nakikita
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng gumising at gumaya

AD LIB

Kung may gusto kang punahin
Dahil ‘di mabuti sa paningin
Pipiringan ang iyong mata
Tatakpan ang bibig at ang tenga

Sagad ka na, sasagarin ka pa [3x]

Kung walang pagbabago
Sinimulan mo’y naglaho
Hirap na hirap na ang bayan mo
Ginagamit pa rin ng dayo

Naloko ka na, lolokohin ka pa [3x]

[Repeat REFRAIN twice]

AD LIB

[Repeat REFRAIN twice]

Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng gumising at gumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya
Sagad ka na ba
Kaya mo pa’ng lumaban at lumaya