Panaginip
P.O.T

Laging nawawala, laging naghahanap sayo.
Walang magagawa laging nag iintay sayo.
Kulayan mo ngayon aking mundo,
bigyang liwanag at buhay, di inaasahang sapitin ito,
langit sa gitna ng yakap mo.
Sa panaginip lang tanging wala kang kapantay.
Walang katulad pa sarap ng ating pagsasama.
Tanging ligaya ka, laman ng isip ko sa tuwina.
Kapag nagdidilim, nag iintay pa rin ako.
Kahit na sa panaginip lang nagmamahal pa rin ang puso ko.