1000 Itim Na Dahon
hiraya

marahil ika’y nadapa
sa katotohanang inabot
na sa iyo’y kapusukan at pakla
ang gapas ng panahon

sa palad mo’y nakaukit
salin-lahing daloy ng kaisipan
walang tigil na hinagpis
and tanging galaw ng mga kamay

ngunit kapilas ng pag-unawa
ang basbas ng karanasan
kahit tila pangunguling ng diyos
ang habi ng kapalaran

kung ang katauha’y sinakluban
ng sanlibong itim na dahon
sunugin lahat ng ito’t
palayain ang kaluluwa