Hangin, Ulan, Araw at Lupa
Dessa
Ugnayan ng kalikasan, kinapal ni Bathala
Pugad ng kanyang pagtatangi sa sang-nilikha
Unti-unting winawasak, unti-unting sinisira
Ng ating kawalan ng puso’t pagkalinga
Lason sa hangin, tayo rin ang kikitlin
Ulan na naging baha, tayo ay lulunurin
Ang tindi ng araw, tayo ay susunugin
Tigang na lupa, tayo rin ang gugutumin
REFRAIN
Ang masayang ugnayan ng ating kalikasan
Sige, sirain mo’t ikaw rin ang babalikan
CHORUS
Hangin, ang simoy ng buhay at sigla
Ulan, ang buhos ng biyaya
Araw, ang sikat ng tuwa
Sa lupa na dibdib ng pag-asa
Ulan at hangin, araw at lupa
Pagyamanin natin sa puso at gawa
Puno, halaman, hayop at sangkatauhan
Sisigla sa tuwa, sa pag-asa at biyaya
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS twice]
More lyrics here:
5 Responses for "Hangin, Ulan, Araw at Lupa"
gnda ng song n toh,,ito kc knnta nmin s sonfest this coming december 7,2007..
ei gud pm po… kung cno man po sa inyo ang may cd or copy vocal music ng kantang ito itxt nyo nmn po aq kelangan ko lng po asap cge n po… 09287489789
kung cno man po merong copy nito pakitxt naman po ako please need lng po tlga…09217435871 please
nice
thanks sa lyrics na hindi completo ;(
Leave a reply