Mamahalin Ka Niya
Vina Morales
Tandang-tanda ko pa
At kay tamis pa nga
Mahiwaga ang aming pagsinta
Ngunit binale-wala
Sumpaang ginawa
Sa halip pa nga’y iniwan s’yang lumuluha
Ang dinadahilan ko ay
Siya nama’y maghihintay
Ngayon ako’y naririto
Siya naman ay nasa iyo
Koro:
Mamahalin ka niya, tulad ng pagmamahal niya sa akin
Mamahalin ka niya, buong puso at damdamin
Sana’y ingatan mo di tulad ng nangyari nga sa amin
Kaya ngayon ako’y nag-iisa
Nanghihinayang na dahil alam ko na
Mamahalin ka niya
Sadyang laging huli
Ang pagsisisi
Ang nakalipas ng ay di na mababawi
Ako ay lalayo
Pag-ibig na bigo
Ang pabaon ng aking taksil na pangako
At nasisiguro ko
Maligaya nga kayo
Sayang ang nakaraan
Siya’y iyong alagaan
Tulay:
Minsan lamang ang pag-ibig na tunay
Huway mong hayaang muli siyang mawalay
More lyrics here:
One Response for "Mamahalin Ka Niya"
I liked very much this song talaga……!!!!!honestly, i played this music many times in our office where I worked.
Leave a reply