Papa Ka Ba?
DJ Alvaro
Naaalala mo pa ba, nang una kang makita
Tinanong agad kita, “Pwede ka bang maging papa?”
Nagulat ka sa akin at bigla kang natawa
Ano ang ibig kong sabihin, ‘kaw ay nagtataka
Pinaliwanag ko sa ‘yo, naunawaan mo
Inilarawan sa iyo ang laman ng puso ko
Papakainin, papaliguan
Papatulugin at papaypayan
CHORUS 1
Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan
Papaligayahin kita
Ikaw ay sinuyo ko, sinagot mo nga ako
Nangako sa iyo, ikaw lang ang papa ko
Nangako rin sa akin ako lang ang mama mo
Ako lang ang mama mo, ang mamahalin mo
Pangalan mo’y inukin dito sa puso ko
Panagko sa iyo ay ‘di na mababago
Papakainin, papaliguan
Papatulugin at papaypayan
[Repeat CHORUS 1 twice]
BRIDGE
Ibinigay ko ang lahat, ang lahat ng gusto mo
Ngunit biglang nagbago at ako’y iniwan mo, hoh
‘Pagkat inubos mo ang lahat ng pera ko
‘Pagkat binutas mo magkabila ang bulsa ko
May iba ka ng mama at sumama sa kanya
Agahan, tanghalian, hapunan ko’y iyak
Pangalan mong inukit dito sa puso ko
Tinakpan ko ng liquid paper pati pangako kong
Papakainin ka, papaliguan pa
Papatulugin at papaypayan
CHORUS 2
Papaluhain mo lamang pala ako
Papasakitan at paiiyakin
Papalitan na kita
[Repeat]
Papasakitan at paiiyakin
Papalitan na kita
Papalitan na kita
Papatayin… na kita
Leave a reply