Sierra Madre
Coritha
Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin
Nakalarawan doon ang maraming kong alaala
At bigla akong lumuha dahil ako’y sabik na
Sa lalawigan kong minumutya
Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin
Mga magulang nama’y nag-aalala sa akin
O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis
Gumagaan ang hirap ko at pasakit
CHORUS
Awitin ko, awitin ko’y makauwi na
Sa duyan ng aking kamusmusan
Sa piling mo, o, Sierra Madre
Kandungan mo’y laging hinahanap
AD LIB
Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang
Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap
Kaya’t kung mayro’n mang nakikinig sa aking damdamin
Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin
[Repeat CHORUS]
Kandungan mo’y laging hinahanap [2x]
More lyrics here:
3 Responses for "Sierra Madre"
buti na lang may lyrics kayo ng asin… maganda ung ipreserve natin ung ganitong mga lyrics…
alam nio? paboritong kanta ito ng mama ko, kaya nga ba mahilig din ako sa mga old songs, gaya nito.. baka naman pwedeng pakilagyan nyo na ito ng chords?, para naman malaman ko rin sa gitara.. un ay kung okey lang sa inyo? salamat… thats all and May God Bless Us Always!… ronald rey…
San ho ba pwedeng makuha chords neto??Thanks!
Leave a reply