“Diwa Ng Pasko” Lyrics
By The Philippine Madrigal Singers
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Magsaya tayo kapatirang banal
Ipagdiwang lugod sa puso
Si Hesus natin syang tanging maykapal
Lumuhod tayo sa harap niya
Magsimba tayo siyam na simbanggabi
Uwian ay bukang-liwayway
Ang buong bayan ligid-ligiran
Mga tindahan, kakainan
[lalala]
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Ang durungawan puspos ng ilaw
Luntian at pulang kulay na masaya
At ang pintuan pinagsabitan
Parol na tunay sa paskuhan
Ang maganda nating bihisan
Ay isuot kahit na minsan
At ang gintong hikaw at singsing
Ay linisin bago gamitin
[papapapam]
Masdan natin ang sinag ng tala
Sa tapat ng belen
Bayan ng ating Birheng dangal
At sumilang doon ang sanggol na mahal
Mananakop ng buong katauhan
Mano po lolo, mano po ninong
Ang sadya po sana’y mamasko
Kung wala ma’y salamat din po
Sa tatlong-hari na’ng balik ko
[lalalala lalalala]
Buong tao’y muling nagdaan
At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa’y makamtan
At sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa’y makamtan!
[lalalala lalalala]
More lyrics here:
3 Responses for "Diwa Ng Pasko By The Philippine Madrigal Singers"
HI!..Thanks for posting..can I ask for a choral piece of this song>?Please..my music teacher required us to look for one..Thanks a lot!
di ba po dapat “pupupupum” un…
pwede pong makahingi ng chords nyan sa piano? please.. gagamitin ko po kasi sa contest namin eh..♥
Leave a reply